UPANG maiwasan ang mabigat na trapiko, magdadagdag ng mga bagong tren at biyahe ang Philippine National Railways (PNR) sa Metro Manila at mga karatig lalawigan nito.
Ang hakbang na ito ay bilang paghahanda sa lalong pagbigat ng trapiko ng mga sasakyan sa mga pangunahing kalsada ng Kamaynilaan bunsod ng pagsisimula ng konstruksyon ng Skyway 3 Project.
Ayon kay Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya, airconditioned ang mga bagong idaragdag sa mga biyahe ng PNR upang makatulong sa mga mananakay sa kanilang pagbiyahe.
Ngunit nilinaw ni Abaya na limitado lamang ang maaaring isakay ng tren dahil sa mayroon itong fixed seats kaya’t hindi papayagan ang tayuan ng pasahero.
The post Para iwas trapiko: Bagong tren at biyahe daragdagan appeared first on Remate.