SINIBAK na ang isa pang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) dahil sa hindi pagsunod sa Honor Code ng Akademya.
Matatandaan na maliban kay Cadet First Class Aldrin Jeff Cudia na nahaharap sa kasong dismissal ng PMA ay nauna nang natanggal noong Enero sa pareho ring kaso si First Class Mario Lenterna.
Nakatakda ring magtapos sana ang mga kadete sa darating na Marso ngunit hindi na ito matutuloy.
Hindi naman nakapagbigay pa ng reaksyon ang kadete dahil natanggap na nito ang naging desisyon sa kanyang kaso.
Ayon naman sa mga kaibigan ni Lenterna, sa oras na ibalik si Cudia sa akademya ay ilalaban din nila ang kanilang kaibigan upang makabalik siya sa PMA.
Samantala, dumipensa naman ang pamunuan ng PMA sa kaso ng nag-resign na cadete nitong si Jeff Aldrin Cudia.
Ayon kay Major Lynette Agnes Flores, Public Information Chief ng PMA, hindi lamang simpleng pagkahuli sa klase ang dahilan kung bakit natanggal si Cudia sa kanilang klase.
Gayunman, inihayag ni Flores na nakarating na sa kabatiran ni Pangulong Noynoy Aquino bilang Commander in Chief ng Armed Forces Of The Philippines (AFP), ang kaso at hinihintay na lamang ang rekomendasyon nito.
The post Isa pang kadete, sinibak ng PMA appeared first on Remate.