NASABAT ng mga ahente ng Bureau of Customs (BoC) ang 38 imported used vehicles sa Port of Irene sa Sta. Ana, Cagayan.
Ang nasabing bilang ay bahagi ng mahigit 800 secondhand cars na unang ipinasok sa tatlong batch sa Port Irene ng Fenix (CESA) Intl. at tinangkang ilabas sa Freeport Zone.
Ang unang shipment ng 347 units mula sa South Korea ay ipinasok noong Disyembre 14, 2013.
Noong Enero 3 naman isinunod na ipinasok ang 266 units habang ang ikatlo na 234 units ay ipinasok noong Enero 27.
Sinabi ni Customs Commissioner John Sevilla, na bawal ang importasyon ng mga sasakyan alinsunod sa Executive Order 156 maliban na lamang sa light trucks at special purpose vehicles tulad ng ambulansya.
Inatasan ni Sevilla si Leilani Alameda, acting district collector ng Customs sa Port Irene, na ihinto ang processing ng dokumento ng mga ito kung ilalabas sa free zone.
The post 38 imported used vehicles nasabat sa Port of Irene appeared first on Remate.