MAY kaugnayan sa trabaho ang tinitingnang motibo sa pagpatay sa isang court sheriff sa Cotabato province nitong Huwebes ng gabi, Pebrero 20.
Ang biktimang si Juanito ‘Nitoy’ Dizon, court sheriff ng RTC 12 Branch 18 ng Midsayap, North Cotabato ay kilalang istrikto pagdating sa pagsisilbi ng arrest warrant at paghuli sa mga taong may pananagutan sa batas.
Si Dizon ay nagtamo ng tatlong tama ng bala sa likod na tumagos sa kanyang dibdib at kilikili at namatay habang ginagamot sa MDC hospital.
Wala pang ideya ang pulisya kung sino ang umatake sa biktima pero naniniwalang hired killers ang mastermind sa krimen.
Naganap ang insidente alas-6:45 nitong Huwebes ng gabi sa tapat ng tindahan ng biktima sa Barangay Agrioculture, Midsayap.
Bago ito, kapaparada lamang ng biktima ng kanyang motorsiklo sa tapat ng kanyang tindahan nang ratratin ng mga suspek.
Iniutos na agad ni Midsayap Mayor Romeo Arana ang masusing imbestigasyon hinggil sa pamamaril sa biktima.
The post Court sheriff tigbak sa riding in tandem appeared first on Remate.