HAWAK na ng Social Welfare and Development (DSWD) sa San Antonio, Quezon ang dalagitang pinagtulungang gahasain ng apat na binatilyo.
Sa ulat ng PNP-San Antonio, maliban sa impormasyon na mga menor-de-edad ang sangkot sa insidente ay hindi na sila awtorisadong maglabas ng anumang detalye.
Sa report ng Quezon Police Provincial Office, mismong ang ina ng bata ang nagpaabot ng report sa himpilan ng pulisya tungkol sa makamundong insidente.
Inireklamo nito ang apat na mga menor-de-edad sa ginawang kahalayan sa kanyang anak.
The post Dalagita niluray ng 4 binatilyo appeared first on Remate.