NIYANIG ng magnitude 3.2 na lindol ang bahagi ng Kayapa, Nueva Vizcaya kaninang madaling-araw.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) alas-tres ng umaga ang sentro nito sa apat na kilometro sa Timog Silangan ng Kayapa.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 25 kilometro.
Wala namang iniulat na nasaktan o nawasak na ari-arian sa lindol.
The post Nueva Vizcaya niyanig ng 3.2 magnitude na lindol appeared first on Remate.