Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pulis dedo sa riding-in-tandem sa GenSan

$
0
0

AGAD na namatay  ang isang pulis matapos barilin ng riding-in-tandem sa Bulaong Village, Brgy. Labangal, GenSan.

Kinilala ang biktima na si P03 Sherwin Badan, intelligence officer ng Sarangani, Davao Occidental.

Inihayag ng misis ng biktima na si Vilma Badan, inamin sa kanya ng mister na marami siyang natanggap na banta sa buhay.

Sa imbestigasyon, lumabas na nagpa-load si Po3 Badan nang nilapitan ng hindi kilalang gunman sa tindahan at binaril ang ulo kaya kaagad na binawian ng buhay.

Narekober ng mga imbestigador sa crime scene ang isang empty shell ng caliber .45 na baril.

Si Po3 Badan ang naghayag kaugnay sa dalawang traysikel driver na taga-Balot Island na napatay nang barilin sa Lower Puting Bato, Calumpang, GenSan dahil sa droga.

Samantala, patuloy na inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpaslang sa kasamahan.

The post Pulis dedo sa riding-in-tandem sa GenSan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>