NASUGATAN ang siyam katao sa naganap na head on collision ng Toyota Hilux at Isuzu Canter elf sa national highway sa Barangay Sili, Aurora, Isabela.
Nasugatan sa insidente ang dalawang tsuper nang nagbanggaan ang sasakyan at mga lulan ng elf na sina Editha Domingo ng Sta. Rosa, Aurora, Isabela, Joy Calucag ng Sta. Rosa, Aurora, Charles Reyes ng Sta Rita, Aurora, Olsen Reyes ng Sta. Rosa, Aurora Bryan Palado, Alvin Bernardino at Ron Kenneth Bautista, pawang residente ng Bolinao, Aurora.
Ayon sa ulat, ang Isuzu ay minamaneho ni Harold Martin, 22, ng Bagnos, Aurora, Isabela samantala ang nakabanggaang Toyota Hilux ay minaneho naman ni Anson Uy ng Mambabanga, Luna, Isabela.
Sa imbestigasyon ng Aurora Police Station, umagaw ng linya ang Toyota Hilux sa kasalubong na canter na nagbunga ng kanilang banggaan.
Ang mga sugatan ay isinugod naman sa pagamutan at patuloy na nilalapatan ng lunas.
The post 9 sugatan sa salpukan ng kotse at van appeared first on Remate.