PATULOY ang rescue efforts ng awtoridad upang mailigtas ang siyam na manggagawang na-trap sa loob ng nasusunog na Harmony Gold mining company sa South Africa.
Ayon sa ulat, walong empleyado ang nauna nang mailigtas ng rescue workers at dinala na sa pagamutan.
“Efforts continue to establish the whereabouts of a further nine employees who are currently unaccounted for,” ayon sa pahayag ng Harmony mining.
Sinabi ni Harmony Gold spokesman James Duncan, ang magnitude 2.4 na lindol ang naging sanhi ng sunog.
“The rock fell, damaged a cable, which we think caused a spark which then ignited something and caused the fire,” ani Duncan.
“Obviously, this is all subject to inquiry. Our priority is finding the missing men.”
The post 9 na-trap sa nasusunog na gold mine sa South Africa appeared first on Remate.