Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

PSG timbog sa pamemeke ng ATM cards

$
0
0

TIMBOG ang isang aktibong miyembro ng Presidential Security Group (PSG) matapos mahuling namemeke ng ATM cards sa Makati alas-11:30, Biyernes ng gabi.

Ayon kay Sr. Supt. Manuel Lucban, hepe ng Makati PNP, isang Raphael Malacay Marcial alyas “Shider” ng PMA Class of 2008 ang inaresto sa Eastwest Bank sa Pasong Tamo Extention, Barangay Magallanes sa Makati.

Kuwento nito, nagpapatrol ang pulisya nang mamataan ang isang motorsiklong walang plaka na nakaparada sa labas ng ATM booth ng bangko.

Agad namang nakipag-ugnayan ang mga ito sa security personnel ng bangko.

Napag-alamang mino-monitor na ni Safety and Security Department Col. Butch Abalon, security guard ng bangko, ang suspek.

Dagdag pa ni Abalon, nakaalerto na ang mga bank security association sa lugar sa suspek.

Nakuha ang sampung pekeng ATM card sa suspek pati na ang ilang blankong ATM at gamit sa paggawa ng mga ito tulad ng ATM scanner.

The post PSG timbog sa pamemeke ng ATM cards appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>