Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Sundalo inambus, bangkay sinunog

$
0
0

KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng isang sundalo sa kamay ng New People’s Army (NPA) matapos ambusin at sunugin ang kanyang bangkay sa Sitio Paet, Alegria, Alabe, Sarangani province.

Ikinalungkot ng mga sundalo ang brutal na pagpatay ng NPA kay Cpl. Noel Pascual na tinadtad ng ratrat sa iba’t ibang bahagi ng katawan bago sinunog.

Ayon kay Capt. Nestor Valenzuela ng 73rd Infantry Batallion ng Philippine Army, maraming tama ng bala mula sa high powered firearms ang ginamit ng mga responsable sa pamamaril sa biktima katulad ng M14 at AK-47.

Sa imbetigasyon lumalabas na kasama ni Pascual si Sgt. Jonathan Dumasia mula sa Datal Anggas, Alabel sakay ng kani-kanilang motorsiklo nang binaril sila nang makarating sa Sitio Paet ng mga miyembro ng Front Committee 75 ng NPA.

Habang sinunog naman ng NPA ang dalang motorsiklo ng mga biktima.

Masuwerte namang nakaligtas si Dumasia kahit sugatan matapos magpagulong-gulong sa bangin at hindi na nasundan pa ng NPA.

The post Sundalo inambus, bangkay sinunog appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>