NAGDADALAMHATI ngayon ang pamilya ng isang sundalo matapos aksidenteng sumemplang ang sinasakyang motorsiklo nito na ikinamatay ng kanyang misis sa Nabua, Camarines Sur.
Ayon sa report, minamaneho ni Pfc Rene Mar Baldado, 26, ang isang motorsiklo lulan ang kanyang misis na si Catherine Baldado, 22, nang maganap ang aksidente.
Alas-5:00 kahapon ng hapon, binabaybay ng mag-asawa ang kahabaan ng Barangay Antipolo at paliko na sa pakurbadang bahagi ng kalsada nang mawalan ng kontrol ang sundalo sa motorsiklo.
Dahil dito bumangga ang mag-asawa sa bakod sa gilid ng kalsada na gawa sa cyclone wire na ikinasugat ngi Baldado, ikinamatay naman ng kanyang misis.
The post Sundalo sumemplang sa motor, misis tepok appeared first on Remate.