NAKITA ang bangkay ng 14-anyos na dalagita na hinalang biktima rin ng rape makaraang lapain pa ng mga aso sa Cotabato.
Kinilala ng mga awtoriad ang biktima na si Mary Ann Macunan, 14, 1st year high school student sa Nicaan National High School ng Barangay Nicaan, Libungan, North Cotabato.
Ayon kay Barangay Kapitan Rey Dimasuay ng Brgy. Nicaan, pagkatapos ng JS prom ng biktima noong Pebrero 14 ay nagpaalam ito sa may-ari ng boarding house na pupunta sa bahay ng kanyang lola.
Ngunit limang araw na ang lumipas ay hindi pa rin ito nakabalik sa kanyang boarding house at hindi rin nakauwi sa kanilang tahanan.
Pagsapit ng Pebrero 21, alas-2:00 ng hapon, nagtaka ang mga residente malapit sa Leaño Farm sa Brgy. Nicaan, anim na kilometro mula sa Nicaan National High School dahil nagkagulo ang maraming aso na nag-aagawan ng pagkain.
Nang usisahin ng mga barangay opisyal at mga sibilyan, doon na nila natagpuan ang naaagnas ng bangkay ng biktima na kinakain ng mga aso, na nagkahiwalay na ang ulo at katawan.
Nawawala rin ang mga paa at ibang parte ng katawan ng dalagita na posibleng tinangay ng mga aso.
Malaki rin ang paniniwala ng mga kamag-anak ng biktima na ginahasa ito pagkatapos pinatay ng mga suspek.
Agad namang pinag-utos ni North Cotabato Governor Emmylou ”Lala” Taliño Mendoza sa pulisya na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa kalunos-lunos na sinapit ng dalagita.
The post Bangkay ng 14-anyos rape victim nilapa ng mga aso appeared first on Remate.