Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Naaagnas na salvage victim narekober sa QC

$
0
0

NAKASUSULASOK na amoy ang naging daan para madiskubre ang bangkay ng isang biktima ng summary execution sa Quezon City kaninang madaling-araw, Pebrero 23.

Ang hindi pa nakikilalang biktima na nasa state of decomposition na ay isinilid sa sako at may tapal na masking tape sa bibig.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, natuklasan ang krimen ala-1:15 ng madaling-araw malapit sa Sauyo Road, Novaliches, QC.

Bago ito, ilang araw nang nagrereklamo ang mga residente sa lugar dahil nakakaamoy sila ng masangsang na amoy na nanggagaling sa isang bakanteng lote.

Nahiwagaan, tinuklas ng isang tricycle driver na madalas dumaan sa lugar ang pinagmumulan ng mabahong amoy.

Sa paggagalugad, natisod ng naturang drayber ang isang sako na naglalaman sa bangkay ng biktima.

Teorya ng CIDU, pinatay sa ibang lugar ang biktima bago inabandona ang bangkay upang ilihis ang ikakasang imbestigasyon ng pulisya.

The post Naaagnas na salvage victim narekober sa QC appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>