IPINAHAYAG na mismo ni Mexican President Enrique Pena Nieto na naaresto na ang tinaguriang world’s most wanted drug lord na si Joaquin Guzman Loera, mas kilala sa alyas na “El Chapo.”
Ang pagkaaresto kay Guzman ay bunga nang mahigit 13-taong manhunt operations ng mga awtoridad laban dito.
Inihayag naman ni Attorney General Jesus Murillo Karam na naaresto si Guzman kasama ang hindi pa pinangalanang babae sa isang Pacific resort sa Mazatlan.
Matapos maaresto, nakita sa video ang paglabas ni Guzman na nakaposas habang pasakay ng helicopter ng Federal Police.
Napalibutan din ito ng Navy escorts habang patungo ng Altiplano prison sa Central Mexico State.
Si Guzman ang sinasabing lider ng Sinaloa drug cartel, ang pinakamalakas at pinakamaimpluwensiyang drug syndicate sa Mexico at Estados Unidos.
Una siyang naaresto noong 1993 sa Guatemala, subalit nagawa nitong makatakas makalipas ang walong taon sa kulungan.
The post World’s No. 1 drug lord natimbog appeared first on Remate.