Quantcast
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Construction accident sa Thailand, 11 patay

UMABOT sa 11 katao ang namatay at hindi bababa sa 18 ang sugatan sa nangyaring aksidente sa Bangkok, Thailand.

Ayon kay Police Lieutenant Aphiwat Gaysorn, nangyari ang construction accident sa probinsiya ng Samut Prakam distrito ng Bang Phli nang bumagsak sa mga construction worker ang isang beam na sumusuporta sa elevator sa ginagawang hospital complex.

Isinugod naman sa pagamutan ang mga sugatang empleyado.

Iniimbestigahan na kung ano ang sanhi ng pag-collapse sa ginagawang gusali.

The post Construction accident sa Thailand, 11 patay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129