TODAS ang isang lalaki matapos tarakan ng kinakasama makaraan ang kanilang pagtatalo sa Caloocan City Martes ng hapon, Pebrero 25.
Dead on arrival sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng saksak sa dibdib si Benigno De Pedro, 30, habang nakatakas ang kinakasamang hindi na nakuha ang pangalan kapwa ng Phase 1, Bagong Silang, nasabing lungsod.
Sa pahayag ng anak ng mag-live-in na si Nicole, 10, alas-4:15 ng hapon, habang nagtatalo ang kanyang mga magulang sa loob ng kanilang bahay nang kumuha ng patalim ang suspek at tarakan sa dibdib ang biktima.
Umalis ng bahay ang suspek habang dinala naman sa JRH ang biktima kung saan inaalam na ng mga pulis ang pinagtalunan ng mag-live-in.
The post Kelot utas sa tarak ng ka-live-in appeared first on Remate.