AABOT sa 150 pamilya ang nawalan ng bahay at naabo ang P5 milyon ari-arian sa naganap na sunog sa Novaliches, Quezon City kaninang madaling-araw, Pebrero 26, 2014.
Ayon kay Quezon City Fire Marshall F/Senior Supt Jesus Fernandez, ala-1:30 ng madaling-araw nang sumiklab ang sunog sa Ramirez Subd., Brgy. Nova Proper, Novaliches, QC.
Nabatid kay Fernandez, bigla na lamang may lumiyab sa ground floor ng bahay nina Ejay El Buluran na mabilis na kumalat sa katabing bahay at tinupok ang may 150 mga bahay dahil na rin gawa sa kahoy ang mga ito.
Hinala ng arson investigator na pagkakaroon ng faulty electrical wiring ang pinagmulan ng sunog na mabilis na kumalat ang apoy sa mga karatig bahay.
Ganap na na-fire out ang sunog dakong 3:00 ng madaling-araw na umabot sa task force alpha.
Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa naturang sunog.
The post P5 milyon naabo sa sunog sa Novaliches, QC appeared first on Remate.