Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Paglilipat kay Napoles sa regular na kulungan pinamamadali

$
0
0

SUPORTADO ng mga mambabatas ang panawagang ikulong sa regular na bilangguan ang sinasabing utak ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles.

Ayon kina Reps. Rudy Fariñas (Ilocos Norte), Sherwin Tugna (CIBAC Partylist), Ben Evardone (Eastern Samar), Elpidio Barzaga (Dasmariñas City) at Silvestre Bello III (1-BAP Partylist) panahon na upang ilipat mula sa Fort Sto. Domingo si Napoles at isama sa iba pang bilanggo.

Kung nakikipag-negosasyon man aniya ang gobyerno upang ito ay maging state witness kinakailangan aniyang madaliin ito upang maipasailalim sa Witness Protection Program.

Ang pakiusap lamang ni Tugna kahit suportado niya ang paglilipat kay Napoles na ordinaryong bilangguan ay dapat pa rin aniyang higpitan ang seguridad at samahan ng iilang kapwa preso sa selda.

Bagamat pabor naman na mailipat na din si Napoles, sinabi naman ni Evardone na nakadepende ito sa desisyon ng korte.

Para kay Bello, marami aniyang salapi si Napoles at ipinangangalandakan nitong kaya niyang magbayad para sa kanyang kalusugan.

Ani Bello, “Why should our government spend for an accused. Beside Ms. Napoles can afford to pay for her own medical needs.”

Pakiusap naman ni Barzaga na “Napoles should be treated as an ordinary accused and therefore, should not be given special accommodations nor it would be legally or morally right for the government to incur additional expenses during her detention.”

Giit pa ni Barzaga na kung inosente siya gaya ng alegasyon niya sa Senado, “ the alleged threat to her life has already disappeared and therefore she should be treated as an ordinary accused.”

The post Paglilipat kay Napoles sa regular na kulungan pinamamadali appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>