TINAPOS ng 50-anyos na lalaki ang kanyang buhay matapos magbaril sa ulo matapos hindi makayanan ang problema sa Quezon City kaninang umaga, Pebrero 27, 2014.
Kinilala ang biktima na si Gil Beconado, may-asawa, ng Tabing Ilog, Sitio Mendez, Brgy. Baesa, nasawi noon din dahil sa tama ng bala ng baril sa kanyang ulo.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa bahay ng biktima sa Tabing Ilog, Sitio Mendez, Brgy. Baesa, dakong alas-10:00 ng umaga.
Sinabi sa ulat na nagbaril sa sarili ang biktima gamit ang hindi pa mabatid na kalibre ng baril matapos hindi makayanan ang problema sa sarili na ikinamatay nito noon din.
The post Problema di kinaya, mister nagbaril sa ulo appeared first on Remate.