Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Truck ban sa Caloocan City ikinakasa na rin

$
0
0

IKINAKASA na rin ang truck ban sa Caloocan City katulad ng pinaiiral sa Maynila matapos maghain ng resolusyon ang isang konsehala ng lungsod.

Ayon kay 1st dist. Councilor Oneth Henson, may akda ng total truck ban na layunin ng nasabing ordinansa na mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa lungsod.

Karamihan kasi ng mga truck ay nagdaraan sa Monumento EDSA, C-3 road patungong Quezon City kung saan nagiging lubhang masikip ang trapiko.

Maiiwasan din ang mga pangunahing kalsada ng lungsod na maging paradahan ng mga truck na maghihintay makabiyahe sa Maynila dahil sa truck ban.

Nakatakda naman nilang imbitahan sa mga magaganap na hearing ang mga may-ari ng truck sa lungsod upang maipaalam ang napipintong pagkakaroon ng total truck ban ng Caloocan City.

Pabor naman dito si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan kung saan nakikita nito na magiging maluwag na ang trapiko ng lungsod kapag natuloy na ang total truck ban.

The post Truck ban sa Caloocan City ikinakasa na rin appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129