MALUBHANG nasugatan ang isang anak nang tagain sa ulo ng lasing na ama sa isang “birthday party” sa Bgy. Sta Cruz, Ilocos Sur.
Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktima na si Lexter Saludes, 18.
Pinaghahanap naman ng pulis ang ama nito na si Alexander Saludes, magsasaka at residente ng naturang lugar.
Ayon sa impormasyon, nakipag-inuman ang mag-ama sa bahay ni Dondon Ibarra dahil kaarawan ng huli nang humantong sa ‘di pagkakaunawaan sa panig ng dalawa.
Bunsod ng kalasingan, kumuha ang ama ng itak at tinaga sa itaas na bahagi ng mata ang anak.
Pinaghahanap na ang suspek na tumakas matapos ang pananaga.
The post Anak tinaga ng senglot na tatay, kritikal appeared first on Remate.