NALAGAS sa malagim na pag-atake ang isang barangay chairman habang sugatan naman ang tatlong katao kabilang ang kanyang misis nang pasabugan ng bomba ang kanilang sinasakyang van sa Batangas kaninang madaling-araw, Marso 1.
Dead on arrival sa pagamutan sanhi ng shrapnels sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Nestor Rodriguez, tserman ng Barangay Buso-buso.
Sugatan naman ang misis ni Rodriguez na si Josebia at ang magkapatid na sina Maximo at Jaime Sarmiento, na kapwa Konsehal sa nasabing barangay.
Wala pang ideya ang pulisya kung sino ang nasa likod ng pag-atake pero isa sa sinisilip na motibo ay may kaugnayan sa pulitika.
Sa ulat, naganap ang insidente alas-12:15 ng madaling-araw sa national highay ng Laurel, Batangas.
Bago ito, lulan ang mga biktima sa isang Mitsubishi L200 na hindi nakuha ang plaka at pauwi na mula sa bahay ni Laurel Mayor Randy James Amo.
Pagsapit sa nasabing lugar, biglang may sumabog na bomba sa ilalim habang ang sasakyan ng mga biktima ay tumatakbo.
Hinala ng pulisya na itinanim sa nasabing highway ang bomba na nabatid na isang improvised explosive device (IED) at saka pinasabog nang matapat na ang sasakyan ng mga biktima.
The post Van pinasabog, tserman lagas; 3 sugatan appeared first on Remate.