NASA kritikal na kondisyon ang isang tsuper ng UV Express makaraang barilin ng isang lalaki kaninang umaga sa Taft Avenue, Pasay City.
Patuloy na ginagamot sa San Juan De Dios Hospital dahil sa tama ng bala sa ulo ang biktima na si Rosel Caligiran na pinaputukan bandang alas-7 ng umaga.
Ayon sa pulisya, habang may kinakausap ang biktima nang dumating ang suspek na kinilala sa pangalang “Rio” at binaril sa ulo si Caligiran.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, away sa pagbiyahe ang motibo sa pamamaril.
Kasalukuyang pinaghahanap na sa ngayon ng mga awtoridad ang suspek na responsable sa pamamaril na isa ring empleyado ng UV Express Service.
The post Driver ng UV Express, binoga sa Pasay appeared first on Remate.