ALL SYSTEM GO na ang paghahanda ng Department of Health (DOH) para sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon kay Health Spokesperson at Assistant Secretary Eric Tayag, naka-standby na ang lahat ng mga pampublikong ospital sa buong bansa na inaasahang pagdadalhan ng mga biktima ng firecrackers incidents.
Maging ang kanilang mga personnel at equipments ay nakahanda na rin partikular na sa Jose Reyes Memorial Medical Center na isa sa may pinakamaraming isinusugod na pasyenteng nabibiktima ng paputok taun-taon.
Gayundin aniya ang mga doctor, nurses at mga support medical staff at emergency room ng Philippine General Hospital ay nakahanda na rin.
Bukod dito, ang lahat ng burn unit sa pampublikong ospital ay nakahanda na rin para sa posibleng pagkakaroon ng mga biktima naman ng sunog.