SAN JUAN, ILOCOS SUR – Isang barangay chairman ang namatay matapos mabangga nang rumaragasang kotse sa Barangay Lapting, San Juan, nasabing probinsya.
Si Antonio Seatriz, 43, barangay chairman ng Barangay Labnig West, San Juan, Ilocos Sur, ay nagtamo ng bone and head injuries dahilan ng kanyang kamatayan.
Sa imbestigasyon, nakamotorsiklo ang biktima na minamaneho ni barangay chairman Cesar Saniatan Carasug, ng Barangay Sitio Panay-organ nang salpukin sila ng mabilis na kotse.
Tumilapon si Seatriz ilang metro mula sa pinangyarihan ng insidente.
The post Kapitan todas sa motor accident sa Ilocos appeared first on Remate.