PATAY ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na suspek sa pamamaril matapos ang engkuwentro sa pagitan ng mga pulis Quezon City kaninang hapon Marso 2, 2014.
Ayon sa pulisya, ang biktima ay idineklarang dead on-arrival sa East Avenue Medical Center (EAMC) dahil sa tama ng bala ng baril sa katawan.
Nabatid kay SPO3 Romeo Tandas ng Quezon City Police District Tactical Operation Center (TOC), naganap ang insidente sa Brgy. Teacher Village, QC 2:30 ng hapon kahapon .
Sinabi sa ulat na nakaengkuwentro ng mga tauhan ng QCPD station 9 Anonas ang nasawi na suspek sa pamamaril.
Nabatid sa ulat na habang nagsasagawa ng operation ang mga pulis ay nanlaban ang suspek dahilan para paputukan ito ng mga operatiba ng pulisya.
Sinisiyasat pa ng operatiba ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit ang naturang insidente.
The post Kelot na nakipagbarilan sa mga pulis, tepok appeared first on Remate.