DAHIL sa pandaraya sa larong baraha, isang lalaki ang namatay nang hatawin ng tubo sa ulo at pagsasaksakin pa ng kanyang mga kalaban sa sugal sa Quezon City nitong Linggo ng gabi.
Dead-on-arrival sa Novaliches District Hospital (NDH) sanhi ng malalim na sugat sa ulo at mga saksak sa katawan ang biktimang si Edgar Fidel, 45, ng Barangay Greater Lagro, Novaliches, Q.C.
Hinahanting na para panagutin sa krimen ang mga suspek na sina Tuling Escalera, Ian Escalera at isang “Bayan,” pawang residente ng Barangay Sta. Monica sa Novaliches.
Sa pagsisiyasat ng Quezon City Police District’s Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naglalaro ng card game na pusoy alas-11 p.m. ang apat nang biglang akusahan ng mga suspek ang biktima ng pandaraya.
Sa gitna ng pagtatalo, hinataw ng tubo ang biktima ng isa sa mga suspek habang pinagsasaksak naman ito ng tatlo pa bago nagsitakas.
The post Mandaraya kinatay ng 3 kasugal sa QC appeared first on Remate.