TODAS ang isang kelot matapos magbigti nang iwan ng kinakasama makaraan ang pagtatalo sa Caloocan City, Linggo ng madaling-araw, Marso 2.
Patay na nang matagpuan si Juanito Sulayog, 34, ng 9th Avenue, nasabing lungsod.
Base sa ulat, alas-2 ng madaling-araw, nagising ang totoy na anak ng biktima dahil naiihi at pagbangon ay nakitang nakabigti na ng electrical cord ang ama sa loob ng kanilang bahay.
Agad na sinabi ng totoy ang nakita sa kanyang lolo na agad na pinuntahan ang biktima upang saklolohan subalit patay na.
Nabatid sa ama ng biktima na nagtalo ang kanyang anak at kinakasamang hindi na nakuha ang pangalan at pag-alis ng babae ay sinabi ng nasawi na tatapusin na niya ang kanyang buhay hanggang sa makitang nakabigti.
Inaalam na kung ano ang pinagtalunan ng mag-live-in at inaalam na rin kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.
The post Nilayasan ng kinakasama, kelot nagbigti appeared first on Remate.