KULONG ang dalawang babae matapos mang-umit ng mga paninda sa SM Hypermart sa Caloocan City, Lunes ng gabi, Marso 3.
Kinilala ang mga suspek na sina Elvira Mariano, 49 ng Sevilla St., 10th Avenue ng lungsod at Jenny Ariola, 41, ng Bambang, Sta. Cruz, Manila.
Sa ulat, alas-8 ng gabi, pumasok ang mga suspek sa SM Hypermart sa Valenzuela st., ng lungsod at nagkunwaring kostumer.
Kumuha ng orange blossom honey at dalawang bar ng cataphyll gentle cleansing na aabot sa halagang P1,189 ang mga suspek subalit napansin ng civilian guard na si Michael Llabore.
Inobserbahan ng guwardiya ang mga suspek at nang makitang lumabas na hindi binayaran ang mga kinuha ay agad na dinakip bago dinala sa presinto kasama ang mga inumit.
The post 2 bebot kulong sa shoplifting appeared first on Remate.