AGAW-BUHAY ang isang negosyante na may-ari ng restaurant nang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki na sakay ng motorsiklo kaninang madaling-araw sa Pasay City.
Kasalukuyang nasa kritikal na kalagayan sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Roberto Tan, nakatira sa 3431-A Brgy. Bangkal, Makati City makaraang magtamo ng tama ng bala mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo at likurang bahagi ng katawan.
Sa imbestigasyon, ala-1 ng madaling-araw nang maganap ang pamamaril sa loob ng Aling Marsha Seafood Restaurant na pag-aari ng biktima sa Seaside Paluto Macapagal Blvd.
Nasa loob ng kanyang restaurant ang biktima nang pumasok ang dalawang armadong lalaki at isa rito ang bumaril sa biktima bago mabilis na tumakas, sakay ng isang motorsiklo patungo sa gawi ng Coastal Road.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa naturang pamamaril.
The post Negosyante pinagbabaril sa Pasay City appeared first on Remate.