TODAS ang isang painter matapos sabayan at barilin ng isa sa dalawang hindi pa kilalang mga suspek sakay ng isang motorsiklo habang ang una ay nagmamaneho ng kanyang sasakyan sa Valenzuela City, Martes ng umaga, Marso 4.
Patay sa loob ng sasakyan sanhi ng tama ng bala sa kaliwang sentido si Manuel Nollora, 63, ng Brillant View, Bagumbong, Caloocan City.
Sa ulat, alas-7:30 ng umaga, sakay ng biktima ang ka-live-in na si Ma. Nita Lumio sa dalang Toyota Tamarraw at pagsapit sa Galas st., Bignay, Valenzuela City ay nag-menor.
Dito sumulpot ang mga suspek na ang nagmamaneho ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka ay naka-helmet habang naka-bonnet naman ang angkas at nang tabihan ay pinutukan ng nakaangkas ang biktima.
Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek kung saan inaalam na kung sino at ano ang motibo ng mga una sa pagpatay sa biktima.
The post Painter patay sa riding-in-tandem sa Valenzuela appeared first on Remate.