AABOT sa P30 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) sa isang buy-bust operation sa Quezon City kaninang tanghali, Marso 5, 2014.
Ayon kay Director Derreck Carreon, public information office ng PDEA, nakumpiska ang may limang kilo ng shabu sa labas ng Cherry Foodarama supermarket sa Congressional Avenue, Brgy. Bahay Toro, Quezon City ala-1:30 ng tanghali.
Sinabi sa ulat na nagsagawa ng buy-bust operation ang operatiba ng PDEA National Capital Region (PDEA-NCR) sa hindi pa nakikilalang suspek at pinagbilhan ang isang PDEA agent na naging dahilan ng pagkakakumpiska sa naturang droga.
Aabot sa P30 milyon ang halaga ng shabu na nakumpiska.
The post P30M shabu nakumpiska sa Quezon City appeared first on Remate.