Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Koreano tumalon sa gusali sa EDSA-Mandaluyong, tigok

$
0
0

PATAY ang isang Korean national matapos tumalon mula sa ika-24 palapag ng gusali sa EDSA malapit sa MRT Boni Station sa Mandaluyong, kaninang umaga.

Kinilala ng awtoridad ang biktima na si Jaek Young Han, alyas “Joshua”, 35, musician sa Korea.

Ayon sa girlfriend ng biktima na si Lee Jung Ah, nagulat siya nang biglang mag-brownout at wala na ang kanyang boyfriend.

Nawalan ng kuryente ang GA Towers dahil sumabit ang biktima sa kawad ng kuryente bago bumagsak sa ibaba ng gusali.

Nang silipin sa bintana, nakita na lamang niyang nakabulagta na ito sa kalsada.

Sinabi pa ni Lee na apat na araw ng nakakalipas nang nagkaroon sila ng pag-aaway pero nagkausap sila kagabi at naayos ang kanilang sigalot.

Binanggit din ng girlfriend na tatlong taon nang walang hanapbuhay si Joshua na dahilan ng kanyang depresyon.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente at inaalam pa kung may “foul play”.

The post Koreano tumalon sa gusali sa EDSA-Mandaluyong, tigok appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129