Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

3 dakip sa pagre-recruit ng mga totoy sa fraternity

$
0
0

KALABOSO ang tatlong lalaki matapos ireklamo ng mga magulang ng mga na-recruit ng mga una sa kanilang fraternity sa Valenzuela City Miyerkules ng hapon, Marso 5.

Nahaharap sa kasong obstruction of justice si Archemedes Pangandoyong, 55, habang physical injuries in relation to child abuse naman ang ikinaso kina Regan Buen, 18 at Mario Reyes, 19, pawang ng Displina Village ng lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng reklamo ang mga pulis sa nasabing lugar mula sa mga magulang ng mga biktimang edad 11 hanggang 14 na na-irecruit nina Buen at Reyes sa  San Francisco-Novaliches Gang.

Sumailalim sa hazing ang mga biktima kung saan nakitaan ng mga paso ng sigarilyo sa mga braso at palo sa mga magkabilang hita.

Dahil dito, alas-4 ng hapon ay pinuntuhan ng mga pulis upang dakpin sina Buen subalit pilit na hinarang ni Pangandoyong ang mga una na naging dahilan upang isama sa presinto kasama sina Reyes at sampahan ng mga nasabing kaso.

Nabatid pa sa mga biktima na pilit silang pinagagamit ng marijuana at pinasasali sa rambulan nina Buen.

The post 3 dakip sa pagre-recruit ng mga totoy sa fraternity appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Papa Jack Tagalog Love Quotes and Advice for you


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Mga Patama sa mga Nagmamahal the Best Tagalog love quotes for you


5 Tagalog Relationship Rules


“BAHAY KUBO HUGOT”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>