Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

1 kilo ng shabu nasabat sa Zambo airport

$
0
0

AABOT sa isang kilong shabu ang nasabat ng mga awtoridad habang idinadaan sa x-ray scan machine ng Zamboanga International Airport (ZIA) na ipinadala sa LBC Cargo Express.

Ang malaking plastic ng shabu ay inilagay sa isang karton sa cornstarch at inihalo sa groceries na inilagay naman sa isang malaking kahon.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-9) regional director Jeffrey Bangsa, lumalabas ang pangalan na isang Walter Aquino ng Caloocan City ang nagpadala ng kargamento na ipadadala naman kay Dayang Askali ng Bongao, Tawi-Tawi.

Nabatid na dumating kahapon ang kargamento galing sa Maynila na inaasahang ipadadala ngayong araw sa Tawi-Tawi.

Sa record ng PDEA, ito na ang panglimang pagkakataon na may naharang na malaking halaga ng shabu sa airport ng Zamboanga City.

Matatandaan na noong ika-8 ng Nobyembre ng nakaraang taon, nasa mahigit 17 kilos ng shabu na umaabot sa halagang P90 milyon ang nadiskubre ng mga awtoridad habang idinadaan sa x-ray scan machine ng paliparan na dadalhin din sa nabanggit na lalawigan.

Dalawang suspek ang naaresto noon na nasampahan na rin ng kaukulang kaso.

The post 1 kilo ng shabu nasabat sa Zambo airport appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>