Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Look out sa pagpatay kay Doc Gerry, natagpuang nakabigti sa Quezon District Jail

$
0
0

NABABAHALA ang Pamilya Ortega na makaapekto sa kaso ng pagpatay sa brodkaster sa Palawan na si Doc Gerry Ortega ang pagkamatay ng isa pang testigo sa nasabing krimen.

Si Dennis Aranas na umano’y tumayong lookout sa pagpatay kay Doc Gerry, ay nakita umanong nakabigti sa loob ng kanyang selda sa Quezon District Jail kamakalawa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Mica Ortega, anak ni Doc Gerry, na nababahala sila na humina ang isinampa nilang kaso gaya ng nangyayari sa paglilitis sa Maguindanao Massacre case na naapektuhan ang pag-usad ng hustisya dahil sa pagkamatay ng mga testigo.

Si Aranas ang nagpatotoo sa ilang mga testimonya at ebidensya na nagpapatunay na direktang may kaugnayan sa krimen si dating Palawan Governor Joel Reyes.

Sinabi pa ni Mica na kasalukuyan na silang kumakalap ng pondo para maisalalim ang bangkay ni Aranas sa autopsy lalu pa’t hindi naniniwala ang asawa nito na siya ay nagpatiwakal.

Humiling din kasi aniya ng tulong ang pamilya ni Aranas dahil hindi nila kayang saluhin ang gastusin para sa pagpapa-autopsy.

Si Aranas ang ikalawang testigo sa kaso ni Doc Gerry Ortega na namatay, una rito ay si Val Lecias na binawian ng buhay nuong nakalipas na taon dahil sa sakit sa atay.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>