Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

50 anyos na dalaga hinalay na, pinasakan pa ang ari

$
0
0

ISANG 50 anyos na dalaga ang nakaratay sa Sta. Ana Hospital, Manila matapos pagtripan at halayin ng tatlong suspek na hinihinalang lulong sa ipinagbabawal na gamot, ayon sa ulat ng pulisya.

Ang biktimang itinago sa pangalang “Lola Simang” ng Paco, Manila ay ginagamot sa ospital dahil sa walang ampat na pagdurugo at nakararanas ng matinding trauma.

Hinala ng pulisya na pinasukan ng isang matigas na bagay ang maselang bahagi ng biktima ng tatlong hindi pa nakikilalang mga adik sa lugar.

Batay sa report ng Manila Police District- Children and Women Protection Unit, dakong 3:30 ng hapon nang samahan ng mga tauhan ng DSWD NCR ang biktima, kasama ang nakababata nitong kapatid na babae, upang magharap ng reklamong panggagahasa sa umano’y mga hindi pa pinangalanang suspek sa Pedro Gil St., malapit sa Paco Market sa nasabing lugar.

Nabatid sa ulat ng pulisya, pawang mga lulong sa droga ang mga suspek na nanghalaysa biktima. Dinala ang biktima ng mga suspek sa isang madilim na bahagi ng lugar sa Pedro Gil St.. Hindi pa nakuntento, pinasakan pa ng mga suspek ng matigas na bagay ang puwerta ng matandang dalaga.

Dahil dito, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya, upang matukoy ang mga pagkakakilanlan sa mga suspek. Sinasabing kilala ito ng matanda pero hindi naman masabi ang kani-kanilang mga pangalan.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>