SWAK sa kulungan ang isang AWOL na pulis at apat na iba pa sa isang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa General Santos City kahapon Marso 6, 2014.
Kinilala ni PDEA Director General Usec. Arturo G. Cacdac, Jr. ang nadakip na suspek na sina PO1 Johnysen Cardos, 32, Marian Tuarez, 33, kapwa ng Purok Acharon, Labangal, General Santos City; Marietta Echaves,44, ng Purok San Vicente, Silway Baybay, Barangay Dadiangas West; Hernan Montecalvo, 33, ng FVR Village, Barangay Fatima at Halima Castro, 21, ng Banualan, Barangay Tambler, General Santos City.
Ayon sa record si Cardos, isang absent without leave (AWOL) ng PNP simula pa noong January 17, 2014, at nakatalaga sa PNP Police Regional Office 12, Tambler, General Santos City.
Nadakip ang mga suspek ng mga elemento ng PDEA Regional Office 12 (PDEA RO12) General Santos City Special Enforcement Group sa pamumuno ni Director Aileen Lovitos.
Sinabi sa ulat na nasorpresa ang mga suspek sa naturang drug den na pag–aari ni Echaves habang humihithit ng shabu sa Purok San Vicente nang salakayin ng awtoridad.
The post Pulis, 4 iba pa arestado sa drug den appeared first on Remate.