PANSAMANTALANG ibinasura ng Malacañang ang petisyon ng isang Pilipina domestic helper sa Singapore na humihiling na magkaroon ng hiwalay na bus para sa Pinay maids dahil daw sa ingay.
Magugunitang marami ang umalma sa panukala dahil isa itong uri ng diskriminasyon sa mga Pilipino.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ayaw nilang patulan ang isang petisyon mula sa isang tao lamang at bahala na ang ibang Singaporeans kung pipirma.
Ayon kay Valte, hayaan na rin ito sa Department of Transportation ng Singapore kung ito’y pagbibigyan.
Naniniwala naman si Valte na walang basehan ang petisyon dahil alam nitong sumusunod sa batas ng ibang bansa ang OFWs.
The post Palasyo dedma sa petisyon ng Pinay DH sa Singapore appeared first on Remate.