PINANINIWALAANG kagagawan ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ang pagkakatagpo ng mga awtoridad sa isang mass grave sa Sitio Sukaw, Brgy. Duminglay Licuan Ba-ay Abra.
Natuklasan ng mga tauhan ng 41st Infantry Batallion Philippine Army, kasama na ang mga pulis, brgy. officials at mga sibilyang naninirahan sa lugar ang nasabing mass grave.
Ayon kay 1st Lt. Rowena Abayon ng Division ng Public Affairs Office ng 5th ID, na nakabase sa Camp Melchor dela Cruz Upi Gamu Isabela, ang mass grave ay pinaniniwalaang pinaglibingan sa mga biktimang sina Freddie Giliw, 30; Rogelio Giliw, 68; at Eddie Giliw, 35, pawang ng Brgy. Sukaw, Brgy. Duminglay, Licuan Ba-ay, Abra na una nang napaulat na nawawala.
Batay sa sumbong ng isang lokal na residente noong Marso 1, 2014 ay 15 kasapi ng NPA ang namataan sa kanilang barangay.
Si Freddie Giliw ay pinaniniwalaang isa ring kasapi ng rebeldeng NPA na nagbalik loob sa pamahalaan noong Marso 2011,
Si Rogelio ay ama ni Freddie habang kapatid nito si Eddie.
May hinala ang mga awtoridad na biktima ang tatlo ng liquidation squad ng rebeldeng komunista dahil sa pagtalikod nila sa communist movement.
The post Mass grave natuklasan sa Abra appeared first on Remate.