NAKUMPISKA ng awtoridad ang may 55 sako ng tahong na nahuli sa apektado ng red tide na lugar sa Western Pangasinan.
Sinabi ni Emma Molina, city agriculturist, ang mga tahong na isinakay sa maliit na trak at sa isang van ay ibabagsak sa Magsaysay Fish Market sa lungsod nitong nakaraang Biyernes ng 10 p.m. nang makita ng law enforcers.
Nitong nakaraang Huwebes lamang, itinaas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang red tide alarm sa Anda at sa Bolinao towns matapos makontamina ng red tide toxins ang coastal waters ng mga nabanggit na lugar.
Sinabi ni Nester Domenden, BFAR regional director, ang eksaminasyon ay isinagawa sa water samples mula sa anim na istasyon sa lugar at napatunayan na mas higit sa normal limit na maaaring magdulot ng masamang epekto sa tao o kahit kamatayan.
The post Tahong na may red tide, nakumpiska sa Pangasinan appeared first on Remate.