PATAY ang dalawang pulis nang salakayin ng 50 mga kasapi ng New People’s Army (NPA) na sakay ng dalawang Elf truck ang Matanao PNP sa Davao del Sur kaninang alas-4:00 ng madaling-araw.
Ayon kay Matanao Mayor Butch Fernandez, pinaulanan ng bala ang Matanao police station ng mga rebelde.
Patay ang dalawang kasapi ng PNP na kinilalang sina SPO3 Buok at SPO3 Mahalong matapos ang halos 30 minutong palitan ng putok.
Ayon kay Mayor Fernandez, may natamaan ding casualty sa panig ng NPA na kanilang dinala sa kanilang pag-atras.
Kinumpirma naman ng opisyal na gumamit ng machine gun ang mga rebelde.
Natangay ng mga NPA ang apat na M16 Armalite rifle sa loob ng police station..
Hindi naman kaagad nakapagpadala ng reinforcement ang awtoridad.
Kahit ang hepe ng Matanao PNP na si S/Insp. Franco Advincula ay wala sa himpilan ng pulisya nang maganap ang pag-atake.
Napag-alaman na nagsagawa ng blocking force ang mga NPA sa Saint Michael Church, malapit lamang sa bahay ng alkalde.
The post 2 pulis nalagas sa NPA attack appeared first on Remate.