PATAY ang isang pintor matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Quezon City kaninang madaling-araw, Marso 10, 2014.
Kinilala ang biktima na si Alejandro Luna, 32, ng 26 Don Carlos St., Don Antonio Heights, QC.
Dead-on-the spot si Luna dahil sa mga tama ng bala ng baril sa katawan.
Ayon kay Senior Inspector Maricar Taquiban, chief Public Information Officer ng Quezon City Police District (QCPD), naganap ang insidente sa 132 Don Carlos St., Don Antonio Heights, alas-5:10 ng madaling-araw.
Sinabi sa ulat na nakatayo sa naturang lugar ang biktima nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang salarin na ikinasawi nito.
Matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.
Sinisiyasat na ng mga tauhan ng QC police ang naturang kaso.
The post Kelot niratrat ng riding-in-tandem patay appeared first on Remate.