MULING nagkaaberya ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) 3, kaninang madaling-araw, Marso 10.
Sinabi ni MRT General Manager Al Vitangcol, biglang huminto sa pagtakbo ang train number five sa North Avenue station, sa Quezon City, dakong alas-4:41 ng madaling-araw kaya naantala rin ang mga kasunod na bagon nito.
Ang nasabing aberya ay nagresulta sa maagang paghaba ng pila ng mga mananakay sa mga istasyon ng MRT.
Nawalan aniya ng suplay ng kuryente ang nasabing tren pero apat na iba pang tren ang nauna nang nakabiyahe bago ito nagkaaberya.
Alas-5:20 nang maibalik sa normal ang buong operasyon ng mga tren.
The post MRT operation, tumirik sa North Avenue appeared first on Remate.