ARESTADO ng awtoridad ang isa sa pumatay kay Zamboanga City Judge Renerio Estacio nitong nakaraang buwan.
Ang suspek na si Mohamad Alkhalidz Paradji Amisali, ay naaresto nitong Linggo ng hapon sa Sunrise Drive sa Zamboanga City, ayon sa ulat ng pulisya kaninang umaga.
“[Amisali] was positively identified and pinpointed by three witness as the one who shot Judge Estacio,” pahayag ng Philippine National Police Region 9d.
Si Estacio, na presiding judge ng Zamboanga City Regional Trial Court Branch 14, ay binaril at napatay sa Narra Drive sa Barangay Tugbungan, Zamboanga City, noong nakaraang Pebrero 28. Papunta ito sa city hall nang pagbabarilin ng dalawang kalalakihan na sakay sa isang motorsiklo.
“I am asking the law enforcement offices to act swiftly in getting to the bottom of this incident and to hold the person or persons accountable for this criminal act,” pahayag naman si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
The post Pumatay ng judge tiklo sa Zamboanga appeared first on Remate.