TODAS ang isang binata matapos magwala nang paputukan ng pulis na kasama sa pagresponde sa Caloocan City, Lunes ng madaling-araw, Marso 10.
Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Daniel Bautista, 24, ng Ilang-Ilang St., Tala Malaria ng lungsod.
Ginagamot naman sa Tala Hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan si Wilson Tablate, nasa hustong gulang at barangay tanod ng nasabing lugar.
Sa ulat, alas-12:30 ng madaling-araw, ilang residente sa nasabing lugar ang humingi ng tulong sa mga barangay tanod dahil nagwawala ang nasawi habang may dalang pen gun.
Nang respondehan at makita ng nasawi ang mga padating ay nagtatakbo habang sumisigaw na “Hindi ninyo ako mahuhuli ng buhay” bago pumasok sa bahay ng kapitbahay na si Celeste Rubio.
Pumasok din si Tablate kasama si PO2 Michael Pineda at mga kasamang pulis subalit pinutukan agad ng nasawi ang una.
Dahil dito gumanti ng mga putok ang mga pulis hanggang sa mapuruhan ang nasawi habang dinala naman ang sugatan na si Tablate sa TH.
The post Binatang nag-amok, todas sa parak appeared first on Remate.