TULALA pa rin ang isang ginang nang brutal na barilin sa kanyang harapan ng miyembro ng New People’s Army (NPA) ang kanyang mister sa Brgy. San Vicente, Cawayan, Masbate City.
Kinilala ang biktima na si Vicente Maguilan, 35, driver ng habal-habal at residente sa nabanggit na lugar.
Sa ulat ng pulisya, hinarang ng mga armadong NPA ang biktima habang papauwi sa kanilang tahanan at kaangkas sa motorsiklo ang misis na si Maricel.
Pinababa ng mga rebelde sa motorsiklo ang biktima at pinaputukan gamit ang M16-rifle sa ulo at katawan na siya nitong agarang ikinamatay.
Napag-alaman din ng mga awtoridad na ang biktima ay pinaghihinalaang asset ng militar na siya ring pinaniniwalaang motibo ng pamamaslang.
The post Mister inutas ng NPA sa harap ng misis appeared first on Remate.