KRITIKAL ang lagay ng isang babae matapos saksakin sa ulo ng kanyang nakasabunutan kagabi, Marso 10 sa Brgy. Longos, Malabon City
Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Mylene dela Cruz, 19, ng Phase 3 Pla-Pla St., naturang barangay sanhi ng saksak ng balisong sa ulo.
Inatasan naman ni Malabon Police Chief, Sr. Supt. Severino Abad ang kanyang tauhan na hanapin at arestuhin ang suspek na si Danica, ng nasabing barangay.
Sa imbestigasyon, alas-8:00 kagabi naglalakad ang biktima kasama ang pinsan na si Alma dela Cruz sa kalye Pla-Pla nang makasalubong ang suspek.
Sa hindi malamang kadahilanan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na humantong sa pagsasabunutan hanggang sa bumunot ng balisong si Danica at tinarakan sa ulo ang biktima.
Agad na tumakas si Danica matapos ang pananaksak.
The post Bebot tinarakan sa ulo ng kasabunutan appeared first on Remate.