PINATAY na, pinutulan pa ng dalawang paa ang isang paslit na ginahasa sa Bukidnon kaninang umaga, Marso 13.
Bukod sa tinamong kapansanan, may malaking sugat sa ulo ang biktimang si Jenny Cagampang, 4, ng Barangay San Luis, Malitbog, Bukidnon na hinihinalang hinataw ng matigas na bagay.
Wala na ring saplot sa katawan nang matagpuan ang halos naaagnas na bangkay ng biktima sa isang madamo at masukal na lugar sa nabanggit na barangay.
Blangko pa ang pulisya kung sino ang may kagagawan sa krimen pero malamang na lulong ito sa ipinagbabawal na gamot dahil na rin sa pamamaraan ng pagpatay nito sa biniktima.
Bago ito, idinulog na ng pamilya Cagampang sa pulisya ang pagkawala ng kanilang mahal sa buhay simula pa noong hapon ng Marso 3.
Noong una, pinagtanong ng pamilya Cagampang sa kanilang mga kapitbahay kung nakita ang kanilang anak pero inabot ng halos sampung araw na ang nakalipas ay hindi pa rin nila ito nakita.
Pero sanhi ng masangsang na amoy, natunton ang naaagnas na bangkay ng biktima na ikinubli sa matataas na talahiban.
The post Paslit hinalay, pinatay, pinutulan pa ng 2 paa appeared first on Remate.